Thursday, December 04, 2008

Twilight!

adik ako.
sa mga libro.
sa mga kanta.
sa mga palabas.

at eto - ang tatlo kong kinaka-adik-an ay parang nag-merge.
at naging isang napakalaking hit.

TWILIGHT.
Isang nobela tungkol sa isang dalagang nagngangalang Bella Swan, na lumipat mula sa Phoenix, Arizona patungong Forks, Washington. Siya ay lilipat doon dahil ang kanyang ina ay nag-asaw na ng iba, at pakiramdam niya kailangan niyang bigyan ng "space" ito.
Dito sa Forks, makikilala niya ang manadang lalaki na si Edward Cullen, at noong una ay hindi siya mapalagay sa tabi nito dahil mistulang galit ang lalaki sa kanya. Pero pagkalaan ng panahon, magkakagustuhan silang dalawa...

TWILIGHT.
Isang compilation ng mga kanta na ginamit sa palabas na Twilight. Sa album na ito nakalagay ang aking song of the moment - Leave Out All The Rest ng pinakamatagal kong gusto na banda, Linkin Park. Magaganda ang mga kanta na nakapaloob dito. Masarap pakinggan.

TWILIGHT.
Ang box office hit ng taong 2008. Ang bida sa palabas na ito ay si Kristen Stewart, bilang Bella, at si Robert Pattinson, bilang Edward. Ito ang tanging palabas na nalungkot ako noong kailangan ko nang umalis sa sinehan. Halos lahat ng mga teenagers ay gustong mapanood ito.

Ayan.
Ang aking kinana-adikan.
Twilight.


Kung gusto ninyo ng impormasyon ukol sa palabas na Twilight, panoorin ang trailer nito dito.


***Summit Media owns the video, not me.
***Stephenie Meyer created Twilight.
***Apple Store hosts the video.

No comments:

Post a Comment