Monday, May 09, 2011

Sabi nila, sabi ko.

Ang sabi nila kaya nila tinututulan ang pagsasabatas RH BIll dahil sa ito raw ay "imoral" at hindi daw ito ang gusto ng "diyos." Ang iniisip kasi nila, kapag isinabatas na ang RH Bill, ito ay magbibigay-daan sa pagsasabatas ng divorce, same-sex marriages, at abortion. Ganoon raw kasi ang nangyari sa mga estadong Western. May mga ilan din na nagsasabi na magiging promiscuous na raw ang mga kabataan sapagkat sila ay aware na sa mga bagay na may patungkol sa sekswalidad, may libre at legal nang access sa contraceptives tulad ng condoms at pills. Mawawalan na rin daw ng ibig sabihin ang kasal at ng pamilya dahil mas magiging involved raw sa premarital sex ang mga kabataan, mas dadami ang mga batang ipinanganak out of wedlock. Higit sa lahat, sila raw ay mga Pro-Life dahil ang paggamit daw ng contraceptives ay pagkitil sa buhay ng mga inosenteng sanggol.
Sabihin na nating may punto sila. Sila lang naman ay concerned sa "moralidad" at sa "kalinisan" ng sambayanang Pilipino.
Pero isipin na lang natin ang sitwasyon ng Pilipinas. Overpopulated na tayo, lalo na sa mga urban areas. Madaming mga bata ang hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Marami ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan ng pambayad ng tuition fee. Marami ang hindi aware sa reproductive health, maging sa mga matatanda. Marami ang nagkakaroon ng anak ng hindi handa.
Ang RH Bill ay naisip na solusyon laban sa mga nasabi kong problema. Kapag naisabatas ang RH Bill, magkakaroon ng kaalaman ang lahat ng mga tao hinggil sa kanilang reproductive health, mababawasan ang birth rate ng Pilipinas, mababawasa ang bilang ng mga batang nagugutom, ng mga kabataang hindi nakapagtapos. Sa maniwala kayo at sa hindi, mababawasan din ang bilang ng teenage pregnancy sapagkat ang mga kabataan ay tuturuan ng mga values na mageenable sa kanila na huwag gawin ang hindi pa nila kaya, tuturuan sila kung paano gumamit ng contraceptives. Hindi lang iyan ang nilalaman ng Sex Ed curriculum na parte ng panukalang batas, pero sigurado tayo na magkakaroon sila ng awareness.
Totoo, nasa bibliya nga ang "Go forth and multiply" pero ililiteral ba natin ang mga salitang iyon? Ang dami dami niyo nga, lahat naman kayo gutom. Ang dami dami niyo nga, hindi naman komportable ang pamumuhay ninyo. Isang kahig isang tuka.
Sino ba ang nangunguna sa paghadlang sa pagsasabatas ng RH Bill? Mga pari. Magkakaroon ba sila ng anak? Hindi. Sino pa? Mga relihiyoso na sumusunod sa lahat ng sinasabi ng mga pari sa kanila. Marami rin sa mga ito ay mga taong nakaluluwag sa buhay. Natural, hindi nila nararamdaman ang struggles ng mga mahihirap. Para sa akin, pinipinli nilang maging bulag sa katotohanan dahil kailangan nilang sundin ang hiling ng "diyos."

Hindi ko maintindihan ang pag-connect ng mga taong maka- Anti-RH Bill sa divorce at same sex marriages. Ang sa akin lang, eh ano ngayon? Kung hindi na nagwowowork ang kasal, pipilitin ba ba natin? Pero syempre, ang sasabihin ninyo ay ayaw na naman ito  ng Diyos. Kung hindi kayo naniniwala sa divorce, edi wag kayong magpadivorce. Simple lang. Pabayaan natin ang mga tao. Lahat tayo ay may right to privacy at parte ng right to privacy ay ang kalayaan na magdecide para sa sarili. Sa same-sex marriages naman, naniniwala ako sa kasabihan na "love knows no boundaries," maging ang gender. Lahat ng tao deserve na maging masaya. Wala naman mangyayari na masama kung nagpakasal/nagsama ang dalawang lalake o ang dalawang babae. Imoral na naman, 'ka ninyo. Kung ayaw ninyo ng gay marriage, e di wag kayong magpakasal sa same sex. Pabayaan ninyo ang mga tao, wala naman silang harm na idinudulot eh.
Sa abortion, nakasaad sa RH Bill na HINDI nito susuportahan ang abortion. Sabi nila kinikitil ng contraceptives ang buhay. Eh wala namang buhay, ano ang kikitilin? HINDI MAGMIMEET ANG EGG CELL AT SPERM CELL KAPAG GUMAGAMIT NG CONDOM O NG PILLS. Magbasa tayo. Maganda yun, dadami ang alam natin. :)
Sa mga nagsasabi naman na ang RH Bill will lead to promiscuity, ano naman ngayon kung promiscuous ang isang tao? Gusto niya yun eh, bakit natin siya babawalan? Inuulit ko: lahat ng tao ay may right to privacy. Respeto lang.

No comments:

Post a Comment